Mga Pahina

Lunes, Nobyembre 24, 2014

WORKS AND GOOD DEEDS OF VICE-MAYOR ISKO MORENO .. ISANG MAGANDANG HUWARAN.. BY: Ver Garcia, Teddy Cho & Rey Montecer



                                           Manila Vice-Mayor Isko Moreno
     "Ang Kahirapan ay hindi Hadlang sa Tagumpay" Ang Kgg. Vice-Mayor Francisco Domagoso A.K.A "Isko Moreno" ay  ipinanganak noong Oct.24,1974 sa Tondo, Manila . Ang kanyang mga magulang ay sina Joaquin at Rosario Domagoso, isang pamilyang pangkaraniwan kung saan ang amain ay isa lamang na simpleng estibador sa North Harbor at sapat lamang ang sahod para sa pamilya. Bagama't salat sa kaginhawahan sa buhay ay di ito naging hadlang sa pagtaas ng antas at pag-unlad ng kabuhayan ni Isko.

     Nang siya'y nasa ika-apat na baitang natuto na siyang mamuhay ng Marangal sa pamamagitan ng Pagtulong sa Kalikasan (GARBAGE SEGREGATOR) hanggang sa siya ay maka-abot ng high school at naglingkod pa rin sa publiko bilang isang pedicab driver. 


     Ninais nyang matupad ang minimithing pangarap kung kaya't nag-enrol siya sa PMI sa kursong Marine Engineering. Dahil na rin sa kanyang kakisigan likas na kakayahan sa pag-awit at pag-arte siya'y natuklasan ni Wowie Roxas at nahirang bilang host sa programang "That's Entertainment" kasama ni Kuya GERMS. Gayunpaman, tiyaga, pagsisikap, sakripisyo ang nagbunsod sa kanya para maging promising actor.

     Noong 1998 nag-umpisa ang pagbabago sa kanyang buhay dahil sa kanyang mga ka-baranggay. Siya'y lumahok sa halalang pang-konseho at di inaasahang magwagi at bukod tanging nanguna sa ika Unang-Distrito ng Maynila. Nuong 2004 naging ikatlong termino niya bilang Konsehal,  dahil na rin sa paglilingkod sa mga maralita na tumalima at tumangkilik sa kanyang mga pagsusumikap. Kabilang na rin ang paglalaan niya ng batas at pag-sponsor sa mga pabahay at gumawa ng mga pamamaran upang matugunanan ang mga adhikain ng distrito. 

     Di naging hadlang ang kahirapan sa Pulitika. Naipagpatuloy nya ang mithiing pangarap sa tulong ni Vice-Mayor Danny Lacuna, kahit na mabigat ang mga responsibilidad. Kumuha siya ng Management sa International Academy of Management and Economics, habang siya'y nasa 2nd year sa Arellano University School of Law. Ang likas na talino at suporta ng butihing maybahay na si Dynne sila'y nabiyayaan pa ng apat na supling na marahil nagdulot ng ibayong inspirasyon sa kanya. 

     Nuong namang May 14, 2007, si Isko ay lumahok sa Halalan bilang Vice-Mayor ng Maynila at muling nanalo sa tulong at awa ng maykapal (Voice of the People is the Voice of God), siya ay nagwagi bilang pinakabatang Vice-Mayor ng Maynila. Nuong siya'y konsehal pa lamang, kanyang naranasan at nakita ang hirap at dusa ng mabigat na suliranin ng mga taong bayan na may kina-uukulan sa pangangailangang Pangkalusugan at mga Gamot. Kung kaya't naitatag niya ang Medical Misssion lingo-lingo at dito na rin naitatag ang BOTIKA NI ISKO - isang mumunting botika sa loob ng kanyang opisina. 

     Nagkaroon din siya ng mga proyekto sa mga maralita tulad ng : Operation Tule, katarata, Oplan Kagat Aso at nagkaroon din siya ng Computer Learning Center in 1999 "ISCOM ISKOLAR NG BAYAN". At Noong 2007, si Isko ay nagkaloob ng mga trabaho para sa mga Manilenos pang-lokal man o pang-abroad sa pamamagitan ng Kaagapay Foundation, isang NGO na ang layunin ay "To make Safe , Healthier and Happiness Place To LIve".


 A tribute to Isko Moreno who rose from the very humble beginnings and become a famous personality... Real Inspirational Life story, Works and Education.
                   
     Vice-Mayor ISKO MORENO advocates a vision for the City of Manila it's unwavering dedication to help his fellowmen, that the welfare and benefits of his beloved city and it's residents is his primary, principal and primordial consideration, priority and concern. Ang Legacy na binigyang diin din niya ay ang pagsasa-ayos sa pagsisikip ng Port of Manila at Traffic sa Maynila sa pamamagitan pagpapatupad ng Truck-ban at pagbabawal ng mga BUS na walang terminal sa lungsod ay nagbigay lunas sa mga matagal ng suliraning pang-trapiko na sinuportahan rin ni Pangulong/ Mayor ERAP ESTRADA. (TeddyChoBlogs)

Linggo, Nobyembre 16, 2014

PINK FESTIVAL IPAPALABAS SA QUEZON CITY THEATERS..
By: Teddy Cho and Ver Garcia


The Quezon City government led by Mayor Herbert Bautista believes in the equality of all people and continues to empower the marginalized sectors like the LGBT constituency of Q.C. A voice and a platform to articulate there issues and concerns under Soxy Topacio's watch as Pink Festival Chairman. Also in Photo were Nick Deocampo and Vice-Mayor Joy Belmonte of Q.C.










Inilunsad kamakailan ng International Pink Film Festival sa Annabel's Restaurant na may pangunahing layunin ipakilala ang International Gender Forum sa madla ang kanilang talino sa sining ng pag-arte at may temang pagkilala sa  karapatan ng ikatlong kasarian.

Nakatakdang ipalabas ang nasabing mga pelikula sa Disyembre 10 hanggang 12, 2014 sa Trinoma Mall Cinema 3. Ang parada ng mga kasali sa mga pelikula at mga panauhing pandangal ay mag-uumpisa ng ika-9 at kalahati ng umaga. Kasabay ng talakayan at review ng mga pelikula sa ika-10 ng umaga.

Ang tatlong araw na Pink Film Festival ay tatalakay sa pamumuhay, karapatan pantao, kalusugan at edukasyon ng mga LGBT o ikatlong kasarian.

Ang pandaigdigan talakayan sa mga karapatan ng mga third sex ay magbubuklod sa mga kilalang personalidad sa ibat-ibang panig ng mundo. Kasama ang mga kritiko, aktibista at mga LGBT na mamumuno sa larangan ng pag-arte o pelikula. Ang talakayan ay inaasahang magbibigay ng pagkaunawa, palitan ng mga kuro-kuro at pagsasanay sa harap ng publiko.

Ang mga beteranong artrista na gaganap sa mga pelikula ay pinangungunahan ni PJ Raval at gagampanan niya ang maselang papel tungkol sa usaping LGBT na may kaugnayan sa karapatang pantao at adbokasiya ng mga ikatlong kasarian.

Ang mga dokumentadong issue sa pangunguna ni Director Kloie Picot sa larangan ng pakikibaka sa mga kaso ng ikatlong kasarian  at mga mamamayan na nawalan ng tahanan ay mag-aambag ng kanilang panukala tungkol sa transgender issue. Sa larangan naman ng pangkalusugan isang kilalang Cambodian na gumagawa ng pelikula at sa issue ng HIV/AIDS, aktibistang Vanna Hem, magtatalakay na may kinalaman sa prostitusyon at mga karapatan nila sa mga ginagalawang komunidad. Mula sa bansang Sweden, si Bill Schiller isang Film maker at Gay Artist ay naimbitahan upang mibahagi ang kanyang mga pananaw tunkol sa LGBT. (VerGarciaBlogs)