Mga Pahina

Huwebes, Hunyo 27, 2013

KAILANGAN NGA BANG MAGTIPID AT MAG-IMPOK PARA SA KINABUKASAN?






Pag-usapan Natin
ni: JUVY DE GUZMAN


MAGTIPID, UGALING DI NAKASANAYAN NG IBA.........

Sang ayon sa mga eksperto, maraming paraan ng pagtitipid. Ngunit, ayon sa karanasan ng iba, wala daw kailangan tipirin, dahil, wala namang kita. Ano ba ‘yan? Ito ang katwiran, ng ilang mga nakausap ko, na di naman ako pabor. Bakit kamo? Kasi, karamihan sa mga kababayan natin ay nagsasabing mahirap sila, ay siya pang halos di marunong magtipid. Paraan na dapat nating gawin, lalo na’t marami ang nagsasabing, wala silang kinikita. Masakit sa aking kalooban na marami sa ating mga kababayan ang naghihintay lang ng trabaho at di naman naghahanap. Well, di naman natin sila masisisi. Kasi nga nasanay ang ilang Pinoy na magpahanap ng trabaho sa iba, kahit ito’y malayo sa kanilang natapos o pinag-aralan.


Sabi pa ng iba nating nakausap, “Gusto kong magtrabaho ng kahit ano, basta kumita lamang...”. Pagkaminsan, may mga nakakapasok, sa ganitong katwiran lamang. Kahit ano, basta may sweldo, sabi naman ng iba d’yan. Sa anumang paraan ng pagpasok ng trabaho meron tayo, ito”y tanggap na sa ating lipunan. Basta may makain at may panggastos lang, okey na. Pero bakit, kahit magkano ang kitain nating pera, ay wala tayong naitatabi, para sa biglaang pangangailangan natin?


Karamihan sa atin, gastos muna at saka na, kung may matira. “Kulang pa nga pambili ng pagkain at iba pa”, ang sabi naman ng iba. Ilan sa atin ang may Life or Accident Insurance? Alkansiya? Bangko? Ilan sa ating mga kababayan ang may naitabi, na magagamit sa biglaang pangangailangan? Katanungang, napakahirap hanapan ng kasagutan, lalo ang pagtatabi ng exact amount at ang matira ay siyang panggastos. Na kung ikaw ay di sanay na gumawa ng baliktad na pamamaraan, aba, mahirap ‘yan!!!. ‘Yan ay ang magtabi ng sapat sa araw-araw na kita, at gastusin lamang ang natitirang pera, na nasa iyong kamay. Magulo, pero dahil sa eksperto, sa paraang ito, ay nalaman natin kay Prof. Mon Toledo at sa kanyang kaibigan na si Jing, ang ilang magandang paraan. “Sang ayon sa kanila, ganito ang paraan ng ilang Tsino, kung bakit maunlad ang karamihan sa kanila.


Matuto tayong maging “KURIPOT”, Na minsan, di maganda sa pandinig ng ilang Pinoy. Pero kung ating iintindihin, aba’y may mararating ka sa ganitong paraan. Paraan na mas kaunti ang nakakaalam dito sa atin. Nasanay kasi tayong gumastos, magpabongga, umutang kahit kanino, na wala namang katiyakan sa pagkukunan ng pambayad dito, na minsan, ay higit pa sa ating kinikita......Hay naku mga kapatid, mahabang usapan ito....sa susunod na issue, ipapaliwanag ko ang tamang paraan ng pagtitipid, para sa future, ay mayroon tayong huhugutin. Ayon sa aking Lola, na madalas niya sa aking ipaalala, “Kung may isinuksok, may madudukot”. Anuman ang tamang kasabihan, ukol dito, kayo na po ang bahala. (VerGarciaBlogs)

1 komento: