Mga Pahina

Martes, Abril 15, 2014

Minsan Sa Buhay Natin.. May Isang Ala-Ala Di Malimutan.. Pagbabalik Tanaw

PAG-USAPAN NATIN - JUVY DE GUZMAN



Bishop Harry Samaniego and Broadcaster Juvy De Guzman at the Kakampi Online Broadcast (Pugad Lawin). Every Tuesday 11am up to 12noon. (JLAC San Juan Chapter and JLAC Lancaster Hotel from 11am up to 12noon, Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Thank GOD for another day, BLESS us all the way !!!
FIRST TIME KONG UMIYAK HABANG NANONOOD NG TELEBISYON......
Grabe ang mga ganitong pangyayari sa telebisyon na aking napanood.
Sa News-TV at natunghayan ko ang "SANA'Y MULI KANG MAKAPILING".....
na kung saan, ay naiyak ako sa isang Inang 5 taon ng nawawala ang kanyang anak na si BRYAN, na kung saan ay napunta pala sa Boys Town Marikina.....


After 5 years ay tinupad ng GMA News TV ... ang kanyang hiling na makita niyang muli ang kanyang anak.....na di niya alam kung saan hahanapin......Na noong nawala ito, ay sumama sa kalaro at nawala. Nakita siya ng isang Good Samaritan na namamalimos kung kaya't nadala siya sa Boys Town, na ikinabuti naman ng bata......


Kadalasan kasi, ang mga batang gala ay napupunta sa sindikato o prostitusyon na siya namang nakakalungkot at ang iba sa kanila ay nagiging kriminal sa murang edad.
Sana, dumami pa ang ganitong Network na nagbibigay saya at aral sa buhay-Filipino......
Sa panahong ito, napakahirap talagang mawalan ng mahal sa buhay. Lalo na ang mahal mong anak na ni minsan ay di mo pinamigay o pinabayaan.Dangan nga lamang, sa murang edad, sila'y nagdedesisyon ng taliwas sa tamang kaugalian.


Bigla ko tuloy naalala ang mga anak ng yumao kong kapatid, na pinabayaan ng kanilang sariling INA na nagpapanggap na may pagmamahal daw siya, na nalaman ko 'nung sila'y may mga asawa na. Sa murang edad, bagama't mahigpit ko silang binantayan at ginabayan @ the age of 2, tinuring ko silang tunay na anak at pilit na inubos ang panahon ko na sila ay mapagtapos.....Eto ang napala ko, puro kasinungalingan pa rin ang turo ng kanilang Ina, na ni katiting na panahon at pinansiyal ay walang naiambag para sa kanyang mga anak, na noon ay inakala kong suporta lang ang sa amin. Pero, lubusan silang pinabayaan at inako ko lahat ang hirap kasama ng aking Ina at Anak na di naging maramot sa aking kahilingan.


Pero, anuman ang nagawa ko sa kanila ay di ko naman pinagsisisihan. Nalungkot lang po ako, kasi wala na sila sa piling ko at inakala kong makakasama ko sila sa aking pagtanda........sa pagtanda ng kanilang Lola.....na siyang nagsilbing Ina habang ako ay nasa ibang bansa, na nagsikap, para mapalaki silang mag-isa.....


Sana, noon pa ako nagkaroon ng pamilya, kung naisip ko ang sarili kong kapakanan....Naalala ko rin si TITA Elizabeth RAMSEY, na kung saan ay pinuntahan ako at gusto sanang ampunin at dalhin sa Amerika, pero di pumayag ang aking Mahal na INA, na siya namang dapat bilang magulang......Salamat sa mga alaalang naipagkaloob sa akin ng tadhana, na mahirap kalimutan, habang ako ay nabubuhay.
Anyway, that's LIFE....at least, 'yung tangi kong anak sa pagkadalaga, ang inakala kong di ko makakasama ngayon, ay siya pang narito at kasama ko sa buhay......Ang buhay na siya lang, ang tangi kong mahal na anak na nagpasaya sa buhay ko, ngayon at magpakailanman.........Salamat sa Ina kong di nasilaw sa karangyaan noong araw......Dahil kahit biyuda na, aba patuloy na nagpalaki sa amin na may dangal.


Mabuhay ang mga Pilipinong, magpa-hanggang sa ngayon ay yakap ang tradisyon at ugaling Filipino. Di nagbabago at patuloy na may pagmamahal sa Inang - bayan, may ugaling maipagmamalaki saan mang dako ng mundo naroroon. (VerGarciaBlogs)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento