Huwebes, Pebrero 14, 2013

HULING PAALAM KAY NANAY.. ISANG DAKILANG INA..

Thank you Nanay.. sa iyong mga kabutihan sa amin.. 
Ngayong wala kana kalungkutan ang nadarama..
Pilit na babangon na muli sa mga kalungkutan..
Ang mga pangaral mo ay aming susundan..
Upang sa ganuon ay di magkamali sa buhay.. 

Sa tulong ng Diyos..
Ikaw ay magiging gabay.. 
Paalam Nanay.. mahal ka naming lahat..
Di ka namin makakalimutan habang nabubuhay..

Huling Paalam Kay Nanay..
Isa kang dakila at aming ulirang nanay..
Ikaw ang tunay na huwaran ng lahat ng pamilya..
Sa iyong pagpanaw dala namin iyong mga pangaral..
Hinding hindi namin kakaligdan..

Malungkot man sa iyong paglisan ay masaya kaming iyong iniwan ..
Dakila ka Inay!.. Nanay Leoncia Munoz Garcia- Dakilang Ina..
(VerGarciaBlogs)



Handog ko ang awiting ito sa mga anak na nangungulila sa pagpanaw na kanilang Mahal na Ina. Ang awiting ito ay para sa inyong lahat. Duon naman  sa mga anak na kapiling ninyo pa ang inyong Mahal na Nanay. Ipakita ninyo ang inyong  pagmamahal sa inyong Nanay. Say 'I love You To Your Mom'. Sana ay mapakinggan at marinig ninyo ang magandang awiting ito ni Ms. Carol Banawa. Happy Mothers Day!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento