Miyerkules, Pebrero 12, 2014

FEEDING PROGRAM SPEARHEADED BY TOKUGAWA GLOBAL CORPORATION

PAG-USAPAN NATIN-JUVY DE GUZMAN "Feeding Program" ng TGC-MAPMA patuloy......
Pagkatapos masuyod ng Tokugawa Global Corporation - Manila Parking Management o TGC-MAPMA ang halos lahat ng barangay sa Binondo, Manila. Nasa Sta. Cruz, Manila naman ito para sa lingguhang "Feeding Program". Kamakailan, umabot sa 200 na mga bata kasama na ang kanilang mga magulang ang napakain ng TGC-MAPMA noong Oktubre 19 sa Barangay 303 , Zone 29 ng naturang lugar. Ayon sa TGC-MAPMA Binondo Area Manager Raymund D. Villanueva, malugod nilang napagsilbihan ang mga bata sa pamamagitan ng pag-aabot ng libreng pagkaing masustansiya at hangad nila na maiangat ang antas ng pamumuhay ng kanilang pamilya. Samantala, natiiyak ng TGC_MAPMA Operations Manager na si Ricardo O. Quintana Jr. na hindi naapektuhan ang kanilang pagsasagawa ng "Feeding Program" sa iba't ibang barangay ng Lungsod ng Maynila nitong natapos na Barangay Election. Ang naturang "Feeding Program" ay bahagi lamang ng kanilang Corporate Social Responsibility at wala itong bahid pulitika. Maliban sa "Feeding Program", ang TGC-MAPMA ay mayroon ding clean-up program sa kanilang barangay na nasasakupan ng operasyon sa kanilang kampanya, kasama ang Ermita, Manila. (VerGarciaBlogs)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento