Linggo, Marso 30, 2014

Kapihan sa Diamond Hotel Every Monday with Neal Cruz

               PARA SA KAALAMAN NG PUBLIKO-  (SO THAT THE PUBLIC MAY KNOW)

At the Press Briefing at the Kapihan sa Diamond Hotel hosted by Neal Cruz, Senior Columnist
of Phil. Daily Inquirer. In photos  seated from left: Atty. Manuel Sanchez and Neal Cruz and others.
Photos Taken By: Teddy  Cho

Ang Katotohanan sa Home Guaranty Corporation

Walang kinalamam ang kasalukuyang managemement ng Home Guaranty Corporation (HGC) sa mga ibibintang na losses at corruption sa HGC. ang mga problemang ito ay nangyari noong 1984 hanggang 2009. Wala pa nag kasalukuyang management ng HGC noon. Si Atty. Manuel Sanchez ay naging Presidente ng HGC noong Setyembre 2010 lamang.

# Ang pagkakautang ng HGC ay resulta ng pag-garantiya sa mga bumagsak na proyekto ng pamahalaan mula 1984 hanngang 1999, na pinondohan sa pamamgitan ng pagbebenta ng Asset Participation Certificates (APC). Wala pa si Atty. Sanchez sa HGC noon.

# Dahil walang pambayad ang dating management ng HGC sa mga investors ng bumagsak na APC Projects, nanghiram ang HGC ng pondo sa pamamagitan ng Bond Flotation noong taon 2002, 2004 at 2006. Ito ang dahilan ng utang na mahigit P16 Bilyon. Wala pa si Atty. Sanchez sa HGC noon.

# Ang pagbibigay ng car plan at Early Retirement Program noong 2004 na sinasabing ilegal ay nangyari lahat bago pa man dumating si Atty. Sanchez sa HGC.

# Walang kinalaman ang HGC kay Delfin Lee at sa Globe Asiatique scandal. Ang Globe Asitique scandal ay nangyari bago pa ma-appoint na Presidente ng HGC si Atty. Sanchez. Isa sa mga unang repormang ipinatupad nina Atty. Sanchez ay ang pag 'black list' sa mga developers na may masamang record.

#Ang mga acquired assets na na-foreclosed at napunta sa HGC ay maraming mga problema at mga kaso. Dahil dito, hindi agad maibenta at mabawi ang investment ng pamahalaan. Kabilang dito ang Smokey Mountain at Manila Harbour Center, ang Central Market sa Old Bilibid Compound sa Maynila, ang National Goverment Center at Commonwealth Market sa Quezon City.

#Ang pagpapa-upa sa Commonwealth Market noong 2005 at ang pagbebenta ng mga APEC  Villas noong 2007 ay nangyari bago pa na-appoint si Atty. Sanchez sa HGC.

# Nang dumating ang kasalukuyang pamunuan ng HGC noong Setyembre 2010, agad nitong inimbestigahan ang mga bumagasak na APC projects at mga sanhi ng pagkakautang ng HGC.

#Bukod sa mga reporma, nagdesisyon ang bagong pamunuan ng HGC na kasuhan at singilin ang mga taong ilegal na nagpayaman at nakinabang sa mga bumagsak na APC projects.

#Patuloy na sinisingil ng HGC ang mga utang ng ibang ahensya ng gobyerno, gaya ng National Housing Authority.

Ang kasalukuyang management ng HGC ay walang kinalaman sa mga anomalya na pilit at paulit-ulit na ibinibintang dito. Bagkus, ginagawa nila ang dapat gawin para mabawi ang pera ng gobyerno at mapalago ito. Bukas ang pamunuan ng HGC sa anumang imbestigasyon para sa kaalaman ng publiko.

Article was published by Phil. Star dated March 31, 2014 page 19 for details.

Inaanyayahan ang lahat na magbigay ng kanilang Komento hinggil sa issue na ito.
(Blog credited to German Ojeras, Teddy Cho and Ver Garcia)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento