PINK FESTIVAL IPAPALABAS SA QUEZON CITY THEATERS..
By: Teddy Cho and Ver Garcia
By: Teddy Cho and Ver Garcia
Inilunsad kamakailan ng International Pink Film Festival sa Annabel's Restaurant na may pangunahing layunin ipakilala ang International Gender Forum sa madla ang kanilang talino sa sining ng pag-arte at may temang pagkilala sa karapatan ng ikatlong kasarian.
Nakatakdang ipalabas ang nasabing mga pelikula sa Disyembre 10 hanggang 12, 2014 sa Trinoma Mall Cinema 3. Ang parada ng mga kasali sa mga pelikula at mga panauhing pandangal ay mag-uumpisa ng ika-9 at kalahati ng umaga. Kasabay ng talakayan at review ng mga pelikula sa ika-10 ng umaga.
Ang tatlong araw na Pink Film Festival ay tatalakay sa pamumuhay, karapatan pantao, kalusugan at edukasyon ng mga LGBT o ikatlong kasarian.
Ang pandaigdigan talakayan sa mga karapatan ng mga third sex ay magbubuklod sa mga kilalang personalidad sa ibat-ibang panig ng mundo. Kasama ang mga kritiko, aktibista at mga LGBT na mamumuno sa larangan ng pag-arte o pelikula. Ang talakayan ay inaasahang magbibigay ng pagkaunawa, palitan ng mga kuro-kuro at pagsasanay sa harap ng publiko.
Ang mga beteranong artrista na gaganap sa mga pelikula ay pinangungunahan ni PJ Raval at gagampanan niya ang maselang papel tungkol sa usaping LGBT na may kaugnayan sa karapatang pantao at adbokasiya ng mga ikatlong kasarian.
Ang mga dokumentadong issue sa pangunguna ni Director Kloie Picot sa larangan ng pakikibaka sa mga kaso ng ikatlong kasarian at mga mamamayan na nawalan ng tahanan ay mag-aambag ng kanilang panukala tungkol sa transgender issue. Sa larangan naman ng pangkalusugan isang kilalang Cambodian na gumagawa ng pelikula at sa issue ng HIV/AIDS, aktibistang Vanna Hem, magtatalakay na may kinalaman sa prostitusyon at mga karapatan nila sa mga ginagalawang komunidad. Mula sa bansang Sweden, si Bill Schiller isang Film maker at Gay Artist ay naimbitahan upang mibahagi ang kanyang mga pananaw tunkol sa LGBT. (VerGarciaBlogs)
Thanks!
TumugonBurahin