Biyernes, Pebrero 26, 2016

KA WILSON NG PAG-ASA NG 3RD DISTRICT NG MAYNILA..

                                        ASENSO                MASA

                                                              NG


                                 ASENSO              BAYAN

KA WILSON NG

 Ka Wilson Ng (Standing 1st at the  left side) 

ASENSO NG MASA, ASENSO NG BAYAN AY PLATAPORMANG LULUTAS SA KAHIRAPANG MAGPA-HANGGANG SA NGAYON AY NANANATILING SULIRANIN HINDI LANG DITO SA MAYNILA KUNDI MAGING SA BUONG BANSA. ANG PAMAHALAAN AY PATULOY PA RIN NILULUTAS ANG PAIKOT-IKOT NA PROBLEMA. PANAHON NA PARA TULDUKAN ANG MGA SULIRANING ITO. BIGYAN DAAN PO NATIN ANG KANDIDATURA NI KA WILSON NG, ISANG TUNAY NA MAKABAYANG CHINOY.

Kapansin-pansin ang katayuan ng ating Politika at Ekonomiya at higit sa lahat ang kahirapang Mapang-alipin bunga ng Korapsyon at kapabayaan ng mga nakalipas na pamahalaan. Sa kabila nito'y ang kadalasang paghingi ng pag-taas ng sahod ng mga Manggagawa at walang patumanggang pagtaas ng mga bilihin bagama't ang presyo ng Langis sa merkado at ang pamasahe ay BUMABA na. Hinggil dito ito po ang mga solusyon:


1) Isa-batas ang mga panukalang batas ng RENTAL CONTROL LAW. 
2) RENTAL ROLL BACK.
3) ON-SITE HOUSING para sa mga informal settlers( mga Maralita).
    Anu-ano ang mga bentahe ng mga nasabing mga Batas?
1) Ang RENTAL-CONTROL LAW sa dami ng mga maliliit na Negosyante na nangungupahan lamang ito'y makakatulong sa kanilang mga pananalapi dahil sa Magkakaroon sila ng sapat na kakayanang maitaas ang mga sahod ng mga kani-kanilang mga Manggagawa na siya rin magdudulot ng pagtaas kakayahang bumili ng kanilang mga pangangailangan (basic needs). Ito'y magdudulot din naman ng Masiglang pag-daloy produksyon ng kani-kanilang mga Manggagawa. Ang halagang malilikom o matitipid ng mga maliliit na mangangalakal sa di pagtaas ng upa (renta) ay maaring gamitin sa pandagdag ng suweldo ng mga empleyado o manggagawa. Sa ganitong paraan upang makaiwas din sa pagsasara (bankruptcy) ng negosyo.
2) RENTAL-ROLLBACK - Ito naman ang magbibigay o magbabalik ng tiwala sa mga Taong-bayan lalo na ang sektor ng Manggagawa sa kanilang pamahalaan dahil sa pagtataguyod ng kanilang kapakanan at hustisyang panlipunan (Social well-being and Social Justice). Ang resulta dagdag na kita sa manggagawa na mangangahulugan  ng paglago ng kakayanang bumili (means increased purchasing power of the masses). Ang paglago ng koleksyon sa buwis (witholding tax) at paglago sa pananalapi ng pamahalaang lokal ay maaari din humantong sa paglago ng ekonomiya bunga ng malaking savings (pagtitipid).
3) On-Site housing resettlement ay para sa mga mamamayan, lalo na ang mga informal settlers, lalo na at malapit ang kanilang pinapasukang trabaho. Kung sila man ay paalisin sa kanilang tinitirikang mga lugar sila mismo ang dapat bigyan ng karapatan sa nabanggit na lugar kung sakali man ito ay ipapadebelop.

Patuloy na tinututulan ni Ka Wilson Ng ang walang habas na pagpapalayas ng mga maralita sa kanilang mga tinitirikang lugar dahil mapapalayo ang mga nagtatrabahong mga maralita ang siyudad ay sentro ng development sa pangangalakal. Kapag napalayo sila sa siyudad isa na namang dagdag gastos sa kanila sa pamasahe. Kaya Karamihan sa mga dati ng na-relocate sa mga lalawigan ay nagsibalikan bunga na rin ng Kakulangan ng mga Social services dun at walang matinong trabaho.


Kailangan ng Batas na pipigil o Magre-regulate (maglalagay sa ayos) sa di-makatuwirang at di-wastong pagtaas ng upa (renta) ng mga nagpapaupa (landlords).
Ano ang lohika sa mga nabanggit na mga batas at panukala?

Ang mga OFW's o mga bayaning buhay na matagal-tagal na rin namumuhunan sa ating bansa ay napilitan din umalis at mangibang bayan dahil sa Pagkalugi sa pamumuhunan bunga na rin ng Di- wasto at Di-makatarungang Pagtaas ng upa.

Ang Rental control law, Rental roll-back at On-site relocation pa rin ang pinaka-epektibong paraan upang matugunan at matulungan ang ating bayan na kinabibilangan ng mga OFW's, Empleyado o Manggagawa, maralita at maliliit na Mangangalakal (negosyante).

Sama-sama nating itaguyod ang mga panukalang pagmumulan ng Pambansang Pagbabago.

Bayan kayo na po ang mag-desisyon sa HALALAN 2016 , Huwag nyo pong Kalimutan si Ka WILSON NG, bilang Konsehal ng 3rd.(ikatlong) distrito ng Maynila. Isang responsableng may-ari ng masustansiyang mga tinapay na mabibili sa PO CHUAN TIN Bakeshop. Ang PO CHUAN TIN ay mahigit ng 60 taong naglilingkod sa mga kababayan natin.


Bigyan Daan po natin ang ASENSO NG MASA, ASENSO NG BAYAN. Atin pong samahan sa kanyang hangarin si KA WILSON NG ng 3rd District of MANILA ang "DUTERTE NG ONGPIN".  Ang inyong lingkod sa hirap at ginhawa ----------------


KA WILSON NG-----------SALAMAT PO.


ASENSO NG MASA , ASENSO NG BAYAN.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento