Linggo, Hulyo 14, 2013
Bloggers Association of the Philippines: PAG-USAPAN NATIN NI: JUVY DE GUZMAN
Bloggers Association of the Philippines: PAG-USAPAN NATIN NI: JUVY DE GUZMAN: SALAMAT SA INYO.. PAG-ASANG HANDOG SA MGA BATANG MAY CANCER..... Salamat sa pag-asang ito, na naipagkaloob sa akin ng mga kaibigan....
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
PAG-USAPAN NATIN-JUVY DE GUZMAN
TumugonBurahinMATUTONG MAGPASALAMAT.......
Thanks GOD for another day, BLESS us all the way....!!!
Mga katagang dapat nating ipagpasalamat sa araw-araw na ginawa ng Diyos.....
Katagang lagi kong naririnig kay dating Vice-Mayor ng Quezon City-CHARITO PLANAS. Ang taong nagpapaalala sa akin sa tuwi-tuwina ng mga bagay-bagay na mahalaga nating gawin sa buhay, na ilan lamang sa atin ang nakakaalala.
Alam ba ninyo, na mas naaalala pa ng tao ang masama mong nagawa, kesa sa kabutihan mong nagagawa sa kapwa?
Ang maraming mabuti na nagawa ay biglang nakalimutan, sa minsang nagawang pagkakamali?
Sa mga bagay na nagawa ng mga taong buhay pa at nang mamatay lamang natin, naalala na mabuti pala siyang tao.
Maraming natulungan.
Maraming ginawang nakalulugod sa kapwa.
Mga taong, ni minsan ay di naisip ang sariling kapakanan, para sa bayan.
Mga taong wala ng ginawa, kundi isakripisyo ang sariling oras para sa iba. At kung anu-ano pa......
Hay, kayo po ba ang kabilang sa mga taong di marunong magpahalaga sa kapwa?
Kayo ba ay mga taong mapanira sa kapwa at wala ng ginawa kundi bumatikos ng bumatikos at di alintana, na ang iyong sarili ay higit pang makasalanan?
Naku mga kababayan, marami tayong kilalang ganyan. Di marunong mag-appreciate sa kabutihan ng iba. Gusto nila, sila lang ang tama at ni di nila alintana ang mga bagay na nararapat ipadama sa mga kapwa o anumang living things.
Naalala ko lang kasi noong ako ay nasa elementarya. Natutunan ko ang ugaling magpasalamat kaninuman. Na marunong magpahalaga sa mabuting gawain ng iba......Ugaling Girl Scout o Boy Scout. Meron pa bang ganito? Sabi ng ilang eksperto na kausap ko. Masdan po ninyo ang ating mga kababayan sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Ilan nalang sa kanila, na dala ang tunay na kaugaliang Filipino na walang halong banyaga? Ilan nalang sa ating mga Kababayan ang marunong magpasalamat sa maliit o malaking gawain. Na tila limot na nilang mag-appreciate sa kapwa. Puro galit nalang ang nasa isip nila. Puro negatibo ang nasa utak. Puro inggit ang siyang pinaiiral.
Kaibigan, panahon na. Na maipadama na natin sa sinuman ang anumang mabuting maipapadama natin kay Nanay at Tatay o sa kaninumang parte, na naging mahalaga sa buhay natin. Ngayon palang ay iparamdam natin sa kanila ang kanilang kahalagahan, hindi ung kung kailan patay na. Mabuti nalang at ang mga Filipino ay matatag sa lahat ng oras.
Nalulungkot kasi ako sa kaugalian ng mga Filipino ngayon. Maging sa mga nakakatanda, di na nila nagagawang gumamit ng Po at OPO. Di na nila magawang alalayan ang mga matatanda o may mga kapansanan. Di nila magawang ipagkaloob ang kanilang upuan sa mga kababaihan. Di na nila maipadama sa kapwa ang kanilang pagmamahal lalo na sa ating mga Kababayan.
Ang pagkakamali ng ilan, kung kailan patay na, saka lang nila maaalala ang kabutihan nito. Di n'yo po ba napapansin sa ilan nating Kababayan ang kanilang nasambit na mabuti sa pumanaw, ay ung oras na di na nito mararamdaman, na marami pala ang nagmamahal sa kanya.....Mga kaibigan, ito ay paalala lamang sa mga nakakalimot na ipadama sa kapwa ang kanilang kabutihang nagawa na sana, minsan, hanapin naman natin sa ating kapwa ang kabutihang nagawa niya, habang siya buhay pa at nang lalo pa siyang gumawa mas mas higit pa sa kanyang nagagawa. Salamat sa grupo ng "Wanted, Bagong Bayaning Naglilingkod" na marunong maghanap ng mga taong mabubuti sa kanilang paningin na di nila pinagkakakitaan. Sa pagbibigay nila ng helping hand sa ibang grup na sa tingin nila ay meron silang kakayahan na makabahagi......Ibalik natin ang ugaling GIRL ? BOY Scout....Na sumasalamin sa tunay na kaugalian ng mga Filipino.....Mabuhay po kayong lahat, na ang mga pananaw ay POSITIBO.......Salamat , Salamat, at Salamat.
Salamat sa lahat ng tumugon sa aking panulat.....
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinSUNOG, AY MUNTIK NA.......
TumugonBurahinTrauma sa sunog, di ko maiwasan.
Kasalanan ng iba, aking pinagdudusahan.
Mabuti nalang, naging maagap.
Kasama sa bahay, ay maaasahan.
Di ko hangad, na ito'y maungkat pa.
Puro pighati, aking nadama.
Sa Manila naganap, unang sunog na naranasan.
10 taong impok, nawala ng isang iglap lamang.
Pagkamuhi, aking nadama.
Sa mga taong nagsindi ng kandila.
Sa altar nila, na iniwan pa.
Muntik na kaming, maubos pa kung ito'y naganap,
Sa oras na tulog na.
Sa unang pinto ng compound nangyari.
Na kung nandun kami, di na rin makakalabas.
Dahil sa unang pinto, ito'y nagmula.
Sa dulong pinto, naman kami nakatira.
Sana'y wala na siguro kami, dahil.....
Ubos na, lahat ng bahay, sa lugar na yaon.
Nang ako'y umuwi, wala ng natira.
Salamat nalang at walang namatay.
Tanging bagay lamang, ang siyang nawala.
Tila ako noo'y isang luka-luka.
Dahil kakauwi ko pa lamang, mula sa ibang bansa.
Salaping kinita, ay iniwan ko pa.
Sa bahay na akala, na mas ligtas pa.
Dasal ang tanging pumawi ng pait.
Kapamilya, Kapuso, Kapatid at iba pa.
Sila ang tumulong sa kawalan ko sinta.
Dasal sa Ina ng laging Saklolo,
Tila, tumubos pa.
Sa aking hinaing na akala ko'y wala na.
Isang Linggo pa lang, sa abroad nakabalik na....
Salamat Panginoon, sa pagliligtas sa buhay naming lahat,
Na iyong nilikha. Muling pagbangon ko ay dinadakila.
Pagmamahal sa kapwa, sa aki'y mahalaga at pagyamanin pa,
na siyang mahalaga.....AMEN