PAG-USAPAN NATIN
Ni: Juvy de Guzman
Isang Komentaryo: Patungkol Sa Mga Jeepney Drivers.. Dapat Maging Responsable Po Kayo Sa Inyong Pagmamaneho.. Nakasalalay Sa Inyong Mga Kamay Ang Buhay Ng Inyong Mga Pasahero!
Guys, pasensiya napo, kayo lang ang aking nasasabihan sa aking mga problema, accomplishments, challenges at pati na rin tungkol sa kairesponsablehan ng ilan nating mga kababayan.
Today, July 2, Martes.....Imagine mo, ngayon lang ako nakarecover sa aking Over-fatigue, at siyempre, back to normal na naman ako....Punta na naman ako sa mga Media forum kung saan, invited ako for my program report....Kanina 9am....dumalo ako sa QC Sports Club at salamat sa kanilang super lunch ng PRO Media News....Siyempre, after that, punta naman ako sa appointment ko in Manila....... Tuesday.....lang ako gumaling dahil sa aking hyper tension.....
3:10 pm....Nag-jeep po ako ng Munoz-Quiapo na biyahe....kasi po sa Quiapo ang baba ko....Nang sumapit na kami sa riles ng train sa Espanya St. ....pinilit na sumiksik ng jeepney driver sa unahan kahit alam niyang, di kami makakapasok ng ayos, kasi, ang gitnang bahagi ng Jeep ay nasa daanan ng train......Paparating na po ang train sa oras na iyon at parang walang kumikilos alinman sa mga kasakay ko.....so, what I did, bumaba ako at pinagalitan ko ang Driver at pinilit ko siyang pumihit pakaliwa para makapasok ang kanyang sasakyan sa bakante na natitira, nang di kako kami abutin.....Malakas ang busina ng train, pero halos lahat sila ay parang tulala. Ako lang ang nag-react sa ganong sitwasyon at agad na sinunod ako ng Driver.....Diyos ko, dumating ang train na muntik ng kumitil na naman ng panibagong buhay......Salamat at nalagpasan namin ang trahedyang ito.....Dahil nakapasok kami sa tamang puwesto na hindi mahahagip ng train at kung tulog ako sa biyaheng iyon, palagay ko, pinaglalamayan na kami ngayon.
MORAL LESSON:
'Wag matulog sa oras ng biyahe sa daan. Bakit kamo, kasi kung tulog ako, maaaring nadisgrasya na kami sa kagagawan ng TANGANG DRIVER....na mahilig sumingit sa alanganin, na maaaring ikapahamak namin. Di ko rin po akalain, na pati ang dalawang pasaherong kasama ko ay tanga rin.......sabi po kasi nung lalaki sa akin....Bakit Mam, kung di ba tayo nakaalis, hindi titigil ang train? Tapos 'ung babae naman kasama namin din sa Jeep, kala ko po nasa tamang pwesto tayo. Di ko po alam na nasa riles pa pala tayo ng train. Dahil kampante siyang nakaupo at di nababahala.
Minsan, mga kaibigan, tayo rin ang may gawa ng ating kapahamakan. Kasi, kung wala akong aksyon sa mga nangyaring iyon, e di masisisi pa ako, na bakit di man lang kami tumalon o umalis sa nasabing sasakyan????? Bakit at marami pang bakit????
Thanks God, salamat sa paalala at naging firm ang pag-iisip ko sa mga oras na yon. Nagmukha akong Traffic Enforcer sa pagnanais na mailigtas ang kawawang Jeep na aking sinakyan na may mga buhay na madadamay. (VerGarciaBlogs)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento